Zum Inhalt springen

Maikling pagpapakilala sa Filipino

01-vier-schreine

Maligayang pagdating sa kabang-yaman ng parokya  ng simbahang   Santo Servatius. Ang miklat(leaflet) na ito ay nilalayong magbigay ng isang maikling pagpapakilala, at ang 
„Austellungsbegleiter“ ay naglalaman ng karagdagang mga detalye.

Ang apat na malalaking medyebal na mga dambana sa galeriya ay naglalaman ng mga labi,halimbawa, buto ng mga santo. Ang tagagawa ng mga dambana ay nagbigay sa kanila ng anyo na parang naggagandahang  bahay na may palamuti upang mailarawan ang mga tahanan ng mga banal sa langit.

Ang mga dambanang ito  ay nakakaakit ng mga Pilgrim(manlalakbay) mula sa iba‘t ibang bahagi ng mundo,  at lalo na sa mga oras ng pangangailangan o kawalan ng pag-asa,sila ay dinadala sa prusisyon sa mga  kalye.

02-annoschrein

Ang pinakamahusay na dambana ay Cologne Archbishop Anno II.(Showcase No.4) Noong taong 1064 itinatag ni Anno ang  kumbento ng Benedikto  sa tuktok ng Michaelberg malapit dito at nagbigay ng maraming mahahalagang labi ng mga santo na siyang naging batayan ng kasalukuyang kabang-yaman.

Ang pinuno ng monasteryo,or pangulong monghe,ay binigyan ng karapatang humawak at magtatag ng mga merkado, mangolekta ng mga buwis at magbubo ng barya.

holzkern

Sa ilalim ng pamamahala ng Abbey ang maliit na pamayanan sa paanan ng burol ay nagsimulang  umunlad at naging siyudad ng  Siegburg.

Namatay si Anno noong taong 1075 at naayon sa kanyang nais,inilibing siya sa simbahan ng kanyang kumbento sa Siegburg . Na-canonized siya noong taong 1183 nang makuha ang kanyang mga buto mula sa kanyang libingan at pormal na inilipat sa dambana.
               
Mahigit sa 700 taon ang lumipas,noong taong 1812,nang masakop ni Napoleon ang lugar sa kahabaan ng Rhine,ang mga monasteryo ay nawala at ang mga kayamanan ng kumbento ng  Siegburg(Siegburg Abbey)  ay ibinigay sa simbahan ng St. Servatius.

pyxie

Sa susunod na bahagi ng pagtatanghal(exhibition),makikita ang isang medyebal na kaban na gawa sa kahoy(Showcase #5). Lahat ng mga dambana ay gawa at buo sa kahoy kung saan ang mga palamuti ay nakalagay o nakadikit. Ito ay orihinal at nang dahil sa hindi maayos na estado ng pagkumpuni ay kailangang palitan noong ika-20 na siglo.Mapapansin natin na marami sa mga larawan o pigura ay kulang.

Sa ikatlong panig  ng kabang-yaman ,matatagpuan  ang dalawang larawang ipininta sa loob ng ika-18 na siglo(Showcases #11 & 14) bago ang dambana ng Anno ay ninakawan ng mga pigurang palamuti sa simula ng labing-siyam na siglo. Ang mga larawang ito ay nagbibigay sa atin ng  ideya kung ano ang hitsura  ng mga dambana noon.

Sa huling silid ng  kabang-yaman ,makikita naman natin ang pira-piraso nang napakaluma at napakahalagang tela na sutla na siyang ginamit upang balutin ang mga labi bago inilagay sa loob ng dambana.(Showcase #19,21,23,24,25,26 & 28)

Bukod dito,maari ring makita ang iilang maliliit na kahon na kinuha mula sa mga malalaking dambana na naglalaman ng mga labi ng mga santo.(Showcase #20 & 22)

annostab

Dahil sa pag-aalala sa pangangalaga o preserbasyon ng mga ito,ang mga kahon at mga pira-pirasong tela na ipinapakita dito ay inilabas sa dambana at pinalitan ng bago.

Ang ating kabang-yaman ay naglalaman ng maraming mahahalagang bagay,kabilang na dito ang,suklay na garing(ginagamit sa liturhiya),kawit na kawani na gawa din sa garing at palyum(ipinagkaloob ng Santo papa kay Anno) ni Anno.(Showcases #14,17 & 27) Makikita rin natin ang mga lagyanan ng labi(reliquaries) monstrance,nadadala o nabibitbit na altar at mga gamit para sa liturhiya.

Lahat ng mga bagay sa kabang-yaman ay nagsisilbing saksi at patunay sa matatag na pananampalataya sa Diyos ng mga mamamayan ng Siegburg sa loob nang nakaraang 1000 taon.